turrrrrron!!!!
may pinsan akong babae na mas bata sakin ng 5 years. maganda sya pero saksakan ng kulit. minsan, hindi na bagay yung kakulitan nya sa itsura nya (kase nga maganda, like me :p). as usual, magkasama kami at tinopak nanaman ng pangungulit.
ate ate, may joke ako sayo
ano yun?
pano mo pawawalain ang saging sa isang move lang?
anong pawawalain? may word ba ganun?
e basta! pano nga?
ahmmmmm... anana?
galing! o sige, pano mo naman ibabalik
hmmm... pano?
turon!!!!! (sounds like jaraaaan!!!!!)
nyeeehh!!! (buti nalang maganda ka!)
:p
e san pa ba magmamana ng kakulitan yan kung d sa yo.. hehehe